Skip to main content

Sa aming kamakailang webinar, napakinggan namin ang mga pamilya, provider, at tagapagtaguyod na kumikilos pang gawing lugar ang California kung saan makatatanggap ng pangangalagang kailangan nila ang bawat sanggol at bata, at kung saan nasusuportahan ang bawat pamilya at tagapag-alaga. Nalinaw ng pag-uusap na ito ang isang bagay: Handa na sa pagbabago ang mga taga-California.

Iyon ang dahilan kung bakit namin inilunsad ang kampanyang ito na may matapang na layunin—baguhin ang sistema ng pangangalagang pambata sa California upang makatipid ang mga pamilya, mapanatili sa industriya ang mga provider, at mapaunlad ang ating mga komunidad at ekonomiya. Para matulungan ang mas maraming tao na maunawaan ang kampanya at makibahagi sila, sasagutin namin ang ilan sa mga tanong na natanggap namin mula nang ilunsad ito.

T: Ano ang nagbigay-inspirasyon para mailunsad ngayon ang kampanya?

Ang bawat isa sa aming mga partner ay matagal nang inspiradong makibahagi sa kampanya batay sa kanilang karanasan at pangunguna sa sektor ng pangangalagang pambata ng California. Narito ang mensahe ng ilan sa kanila:  

Cristina Alvarado, Child Care Alliance of Los Angeles: Mahirap maghanap ng pangangalagang pambata at hindi pa pumapasok ang mga edad 0 hanggang 3 sa sistema ng pampublikong paaralan. Kailangan nila ang lahat ng suportang maibibigay natin sa kanila para maihanda sila sa hinaharap. Napakahalaga nito, lalo ngayon, na unahin ang pangangalagang pambata at tiyaking may access dito ang lahat, katulad ng pagkakaroon ng access ng lahat sa mga pampublikong paaralan.

Humberto Manuel Estratalan, UNITE-LA: Noong sanggol ako, kinailangan ko ng pangangalagang pambata na may tulong pinansyal. Kailangan din ng pangangalaga ng mga anak ko—ng abot-kaya at de-kalidad na pangangalaga. Saan ka man nakatira, saan ka man nagtatrabaho, o anuman ang oras ng trabaho mo. Iyon ang isang bagay na hindi natin pinag-uusapan. Ito man ay pangangalaga pagkalipas ng oras ng trabaho o pangangalaga sa weekend, kailangan nating lahat ng pangangalaga. May anak ka man o wala, makakaapekto ito sa iyo. Ang mga katrabaho mo ay may anak, ang pamilya mo ay may anak. Ang mga batang nasa hustong gulang na ngayon ay nangangalaga sa atin bilang mga doktor at nars. Apektado ang lahat ng access sa pangangalagang pambata.

T: Paano makikibahagi ang mga partner? Ano ang magagawa nila para masuportahan ang AGS4K?

Ang mga partner ay puwedeng bumisita sa aming website at i-follow kami sa social media (Facebook, Instagram). Sa hinaharap, magsasagawa kami ng mga pagsasanay sa pagmemensahe, pagsasagawa ng mga kampanya, at pagbibigay ng mga pagkakataon para maging opisyal na tagasuporta ng kampanya. Mag-sign up para sa aming newsletter para sa higit pang impormasyon sa mga pagkakataong ito sa mga darating na buwan.

T: Anong mga organisasyon ang bahagi ng A Golden State For Kids?

Ang A Golden State For Kids ay pinamumunuan ng Child Care Alliance of Los Angeles (CCALA) na nakikipagtulungan sa Children Now, The Children’s Partnership, Crystal Stairs, Inc, at UNITE-LA. Ang grupo ng mga organisasyong ito ang bumuo sa kampanyang ito sa pamamagitan ng iba’t ibang pananaw mula sa buong industriya ng pangangalaga at edukasyon sa maagang yugto.

Sa opisyal na paglulunsad ng aming kampanya noong 2025, umaasa kaming may mga karagdagang organisasyong makikipagtulungan sa kampanya bilang pagtugon sa aming layuning lumikha ng demand para sa naa-access na pangangalagang pambata sa California!

T: Bakit magsisimula ang kampanya sa Los Angeles?

Ang Los Angeles ay ang county na may pinakamalaking populasyon sa California, at sa maraming aspeto, isang munting representasyon ng ating estado. Bilang resulta ng malawakang sunog ngayong taon, lalo pang tumindi ang pangangailangan sa naa-access na pangangalagang pambata. Sisimulan ang unang hakbang ng aming kampanya sa pagtutuon sa Los Angeles, pero layunin naming maging kampanya ito sa buong estado at pinaplano naming palawakin ito sa labas ng LA sa 2026.

T: Ano ang mga plano ng kampanya para sa natitirang bahagi ng taong ito?

Bilang pampublikong kampanya sa agarang pagkilos, nakatuon kami sa paglikha ng momentum at pagbabahagi ng mga kuwento ng mga naapektuhan ng kakulangan ng suporta sa pangangalagang pambata ng ating estado at county, sila man ay mga magulang, negosyo, o mas malalawak na komunidad. Pinaplano naming makipagtulungan sa mga komunidad sa buong county para maipakita ang epekto at kahalagahan ng pangangalagang pambata. Matutunghayan ninyo ang higit pa sa aming kampanya sa mga paparating na buwan!

Nagsisimula pa lang ang kampanyang ito, at magkakaroon ng maraming pagkakataon para makibahagi sa mga susunod na buwan. Para manatiling nakasubaybay, mag-sign up para sa aming newsletter at i-follow kami sa social media.

Sama-sama nating magagawang priyoridad ang pangangalagang pambata sa California—at makakabuo tayo ng kinabukasan kung saan mapapalago ang bawat bata, pamilya, at komunidad.

Tingnan ang Layunin Namin para sa A Golden State For Care →