Skip to main content

Ang Aming Layunin

Ang bawat taga-California ay karapat-dapat magkaroon ng pagkakataong mamuhay, magtrabaho, at magpalaki ng pamilya sa Golden State.

Sa pagtiyak na ang bawat batang taga-California na may edad 0–3 taong gulang ay makatatanggap ng pangangalagang kailangan nila, lumilikha tayo ng mas matatag at mas masiglang California kung saan tayong lahat ay maaaring magtagumpay.

BAKIT NGAYON NA?

Habang mas matagal tayong naghihintay bago bigyang-priyoridad ang pangangalaga sa bata, mas malaki ang nagiging gastos ng mga taga-California.

Ngayon na ang panahon para baguhin ang sistema ng pangangalagang pambata—para sa ating mga anak, mga tagapag-alaga, at kinabukasan.

Kada taon:

Ang Nalulugi sa Ating Bansa

$122 Bilyon

Ang Nalulugi sa Mga Pamilya

$78 Bilyon

Ang Nalulugi sa Mga Employer

$23 Bilyon

Ang Nalulugi sa Mga Komunidad

$21 Bilyon

Ano ang ECE?

Ang Maagang pangangalaga at edukasyon (early care and education o ECE) ay nagbibigay sa mga batang 0-3 taong gulang ng mga karanasan sa pagkatuto, mapagkalingang kapaligiran, at pangangalagang tumutugon sa mga pangangailangan ng bata na nagde-develop ng malulusog na pag-iisip at kasanayan sa emosyonal na pakikitungo.

Narinig mo man ito bilang pangangalagang pambata, pag-develop sa maagang yugto ng pagkabata, Head Start/Early Head Start, daycare—ang bawat isa sa mga ito ay ECE.

Sa estadong katulad ng California sa laki at pagkakaiba-iba, may maraming anyo ng pangangalagang pambata, mula sa mga propesyonal na mga tagapag-alaga hanggang sa mga lolo’t lola. Sa bawat anyo, itinatatag nito ang pundasyon para sa panghabambuhay na pagkatuto at kapakanan ng mga bata.

Sino Kami

Pinagkakaisa ng A Golden State for Kids ang mga pamilya, provider ng pangagalangang pambata, organisasyon na nagtataguyod ng mga, at negosyo para makagawa ng demand para sa naa-access na pangangalagang pambata. Nagtutulungan kami kasama ang aming mga partners upang mapabuti ang pangangalaga sa bata sa buong estado, mula sa pag-access hanggang sa kalidad.

Ang Aming Mga Partner
Ang Mga Nagpopondo sa Amin

Ang A Golden State for Kids ay pinopondohan nang malaki ng Stein Early Childhood Development Fund at sinusuportahan ng California Community Foundation.

Tingnan ang Layunin Namin para sa A Golden State For Care →